Northbound lane ng Quezon Avenue, isasara para bigyang daan ang girder launcing activity ng DPWH-NCR

Facebook
Twitter
LinkedIn

Ililipat ng Department of Public Works and Highways (DPWH) – National Capital Region (NCR) ang pagsasagawa ng girder launching activity sa northbound road section, simula mamayang alas-11:00 ng gabi hanggang bukas ng alas-4:00 ng madaling araw.

Kasunod ito ng patuloy na konstruksyon ng pedestrian overpass sa Quezon Avenue, EDSA Bus Carousel station sa Quezon City.

Isasara ng launching activity ang northbound lane sa trapiko, habang ang southbound lane ay mananatiling madadaanan ng mga motorista.

Ang Metro Manila Development Authority (MMDA) ay magpapatupad ng stop and go traffic scheme sa panahon ng aktibidad.

Dahil dito, pinapayuhan ang mga motorista sa pagsisikip ng trapiko sa lugar at dumaan sa mga alternatibong ruta.

Samantala, isasara din ang northbound lane sa kahabaan ng G. Araneta Ave. sa pagitan ng Ma. Clara St. at P. Florentino St.  tuwing alas-10:00 ng gabi hanggang alas-5:00 ng umaga sa loob ng dalawang linggo, simula kagabi.

Ang aktibidad ay upang bigyang-daan ang drilling ng board piles para sa pagtatayo ng Skyway Ramp na bahagi ng Skyway Stage 3 Project. | ulat ni Rey Ferrer

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us