Idineklara ng Malacañang ang November 3 hanggang November 9 ng kada taon bilang Philippine Criminology Profession Week.
Sa ilalim ng Proclamation No. 397, nakasaad ang kahalagahan ng criminology profession sa national security ng bansa, public safety, peace and order, at nation–building and development.
Ang Professional Regulatory Board of Criminology ang mangunguna sa pag-obserba sa Philippine Criminology Profession Week.
Ito rin ang mangunguna sa pagtukoy ng programa, proyekyto, at mga aktibidad para sa selebrasyon nito.
Inaatasan ang lahat ng tanggapan ng pamahalaa, maging ang mga GOCC, na tumulong para sa implementasyon ng batas na ito.
Pirmado ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. ang kautusan, ika-7 ng Nobyembre, 2023. | ulat ni Racquel Bayan