NTF-ELCAC, magpapatuloy sa pagsiwalat ng mga kaalyado ng mga teroristang komunista

Facebook
Twitter
LinkedIn

Hindi natitinag ang National Task Force to End the Local Communist Armed Conflict (NTF-ELCAC) sa pagsisiwalat ng kaalyado ng mga teroristang komunista.

Ito ang inihayag ni NTF-ELCAC National Secretariat Executive Director Undersecretary Ernesto Torres Jr., kasabay ng pagsabi na mandato ng gobyerno ang protektahan ang mga mamamayan.

Paliwanag ni Torres, karapatan ng publiko na malaman ang tungkol sa mga grupo at indibidwal na konektado sa mga teroristang komunista para makapag-ingat sila.

Nilinaw ni Torres na ang pagbibigay ng impormasyong ito ay hindi “red tagging,” kundi pagsasabi lang ng katotohanan.

Giit ni Torres, ang “red tagging” ay “branding” ng mga teroristang komunista na kanilang ipinupukol sa gobyerno, para patahimikin ito sa paglalabas ng katotohanan.  | ulat ni Leo Sarne

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us