OCD at DSWD Davao, nagpadala ng relief items sa mga biktima ng lindol sa Sarangani sa Davao Occidental

Facebook
Twitter
LinkedIn

Nagpadala ng relief items ang Office of the Civil Defense Davao at Department of Social Welfare and Development XI sa mga biktima ng Magnitude 6.8 na lindol sa Sarangani sa Davao Occidental.

Pinangunahan ng Coast Guard District South Eastern Mindanao at Naval Forces Eastern Mindanao ang pagpadala ng relief items sakay sa BRP Tagbanua patungo sa nasabing munisipalidad.

Nasa 11 shelter repair kits, 200 na mga kumot at malong, at 100 tarpaulins ang ipinadala sa bayan.

Samantala, 1,000 family food packs (FFPs) at limang family tents naman ang ipinadala ng DSWD. 

Base sa record ng OCD Davao, nasa 206 pamilya o 946 indibidwal ang apektado ng lindol mula sa 26 barangay sa Davao Occidental. | ulat ni Sheila Lisondra | RP1 Davao  

📷 OCD Davao

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us