OCD at isang cargo freight company, lumagda ng MOA para sa paggamit ng rapid radio support vehicle

Facebook
Twitter
LinkedIn

Lumagda ng isang memorandum of agreement ang Office of Civil Defense at Ube Express para sa paggamit ng Rapid Radio Support Vehicle na pinondohan ng naturang kumpanya.

Ang naturang radio support vehicle ay may radio equipment at may starlink antenna na kayang ikonekta ang Very High Frequency, Ultra High Frequency at High Frequency hand held radio system kung saan ay maririnig na ng bawat radio channels ang bawat isa kahit na magkaiba ang frequency signals ng mga ito sa oras ng anumang sakuna sa bansa at maaaring gamitin ng OCD sa anumang oras na kailanganin ito.

Ayon naman kay OCD Undersecretary Ariel Nepomoceno na malaking tulong ang naturang radio support system sa anumang banta sa kalamidad.

Nagpasalamat naman ang OCD sa ginawang inisyatibo ng Ube Express sa pagtulong sa ahensya sa pagbibigay ng inisyatibo sa disaster preparedness ng pamahalaan. | ulat ni AJ Ignacio

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us