Personal na sinalubong ni Committee on Overseas Workers Affairs Chairperson and KABAYAN Partylist Representative Ron Salo ang labi ng OFW na nasawi sa pagsalakay ng Hamas sa Israel.
Ipinaabot ni Congressman Salo sa pamilya ni Angelyn Aguirre ang kanyang kalungkutan sa kalunos lunos na pagkawala ng OFW.
Dumating ang labi ni Aguirre sa Ninoy Aquino International Airport kaninang hapon.
Ayon sa mambabatas, si Angelyn ay isang dedikadong tagapag-alaga, mapagmalasakit sa kanyang tungkulin, isang bayani na nagpamalas ng katapangan na sa kabila ng panganib ay nanatili sa kanyang pasyente.
Diin ng partylist solon na ang kanyang ipinamalas ay halimbawa ng kabayanihan ng maggagawang Pinoy.
Si Aguirre na kababayan ng Cong. Salo ay pagkakalooban bukas ng Hero’s welcome sa Binmaley, Pangsinan .
Ang mga labi ni Aguirre ay kasamang sinalubong nila Dapartment of Migrant Workers OIC Undersecretary Hans Leo Cacdac, Overseas Workers Welfare Administration Head Arnell Ignacio, mga kinatawan mula sa Israel Embassy sa Pilipinas at ang pamilya ng biktima. | ulat ni Melany Reyes