Ipinanawagan ni Department of Budget and Management (DBM) Secretary Amenah Pangandaman ang pagpapalakas ng Open Government Partnership (OGP) upang mapangalagaan ang kapayapaan sa Mindanao at itaguyod ang hinahangad na socio-economic recovery ng bansa.
Ayon kay Secretary Pangandaman, mahalaga ang papel ng OGP sa pagpapatibay ng transparency at full digitalization sa gobyerno. Alinsunod na rin sa direktiba ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. para sa aktibong paglahok ng mamamayang Pilipino sa pamahalaan.
Sa ginanap na OGPinas! National Advocacy Campaign sa Davao City, kinilala ni Secretary Pangandaman ang kontribusyon ng Civil Society Organizations, People’s Organizations, at grassroots level activities para sa kapayapaan sa Mindanao.
Ang OGPinas ay isang international multi-stakeholder na proyekto na layuning mapabuti ang transparency at pakikilahok ng publiko sa gobyerno.| ulat ni EJ Lazaro