Oplan Paalala Iwas Paputok, muling ipatutupad ng BFP ngayong Disyembre sa Zamboanga City

Facebook
Twitter
LinkedIn

Muling ipatutupad simula Disyembre 1 ng Bureau of Fire Protection (BFP) Zamboanga ang Oplan Paalala Iwas Paputok para sa paghahanda sa nalalapit na Pasko at Bagong Taon sa lungsod ng Zamboanga.

Sa ginanap na Press Briefing ngayong araw sa City Hall, ibinahagi ni Fire Inspector Rommel Rojas ng Zamboanga Fire District na ang Oplan Paalala Iwas Paputok ay binubuo ng command group na pangungunahan ni City Fire Marshal Christopher Morales.

Bahagi aniya ng mga aktibidad na gagawin ng Zamboanga Fire District sa pamamagitan ng kanilang Public Awareness Team na nakapaloob sa nasabing memorandum circular ay ang pagsasagawa ng information drive gaya ng Ugnayan sa Barangay.

Mahigpit din aniya silang magsasagawa ng inspeksyon sa mga tindahan na nagbebenta ng paputok gayundin ang mga nagbebenta ng mga christmas lights sa siyudad ngayong Christmas Season. | ulat ni Shirly Espino | RP1 Zamboanga

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us