Nagsagawa na ng pagpupulong ang Department of Social Welfare and Development (DSWD) upang talakayin ang “Oplan Pag-Abot sa Pasko” na proyekto ng departamento.
Pinangunahan ni Social Welfare Undersecretary for Innovations Edu Punay ang coordination meeting kasama ang ilang kinatawan mula sa iba’t ibang Homeowners Associations, mga barangay at organisasyon sa Metro Manila.
Target ng DSWD na maibigay ang tulong para sa mga vulnerable at-risk families, at individuals in crisis situations ngayong kapaskuhan.
Katuwang ng DSWD ang mga opisyal ng Quezon City Government, Social Welfare and Development Office ng Pasig City, mga miyembro ng Pag-Abot team, at mga tauhan ng Armed Forces of the Philippines.
Layon ng departamento na matugunan ang pangangailangan at maiangat ang pamumuhay ng mga Pilipino. | ulat ni Rey Ferrer