OWWA Administrator, nilinaw na hindi lahat ng mga Pilipino sa Israel ay nais umuwi

Facebook
Twitter
LinkedIn

Hindi lahat ng mga Pilipinong nasa Israel ay nais na umuwi ngayon dito sa Pilipinas.

Ito ang binigyang linaw ni OWWA Administrator Arnaldo “Arnell” Ignacio matapos ang mga insidente ng pagkasawi ng ilang OFW dahil sa pagsiklab ng kaguluhan sa nabanggit na bansa.

Paliwanag ni Ignacio, sa kasalukuyan, mayroong mahigit 30,000 na mga Pilipino ang nasa Israel ngayon at sa tingin nito ay hindi nais ng lahat ng mga ito na bumalik sa Pilipinas ngayon.

Giit ng administrador ng OWWA, ang nararanasang gulo sa Israel ay nakatuon lamang sa timog na bahagi nito.

Inihalintulad ni Ignacio ang pangyayari sa panahong may kaguluhan sa Marawi kung saan hindi naman sinabi ng lahat ng mga Pilipino nais nilang umalis sa bansa.

Gayumpaman, tiniyak ng opisyal na nakatutok sila sa mga kaganapan sa bansa at handang agad na tumugon sakali mang mayroong mga Pilipinong nasa timog na bahagi ng Israel na mangailangan ng kanilang tulong. | ulat ni Ruel L. de Guzman | RP1 Dagupan

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us