Proteksyon para sa mga Pinoy journalist, pinapanukala ni Senador Mark Villar

Isinusulong ni Senador Mark Villar na magkaroon ng dagdag na proteksyon para sa mga Pilipinong mamamahayag kasunod na panibagong kaso ng pamamaslang sa broadcaster na si Juan Jumalon sa Misamis Occidental. Inihain ng senador ang Senate Bill 2355 o ang panukalang Journalist Protection Act bilang pagkilala sa panganib na hinaharap ng mga mamamahayag sa kanilang… Continue reading Proteksyon para sa mga Pinoy journalist, pinapanukala ni Senador Mark Villar

Mga senador, hinikayat ang mga awtoridad na resolbahin at aksyunan kaagad ang pagpaslang sa brodkaster na si Jumalon; loose firearms, pinatutugis rin

Iginiit ni Senadora Grace Poe na dapat nang higpitan ng Philippine National Police (PNP) at iba pang concerned authorities ang pagtugis sa mga may hawak ng iligal na baril, hindi lamang sa Metro Manila kundi maging sa mga probinsya. Ang pahayag na ito ni Poe ay kasunod ng pagpaslang sa radio broadcaster na si Juan… Continue reading Mga senador, hinikayat ang mga awtoridad na resolbahin at aksyunan kaagad ang pagpaslang sa brodkaster na si Jumalon; loose firearms, pinatutugis rin

Senate panel, magsasagawa ng inspeksyon sa POGO hub sa Pasay City

Magkakasa ang Senate Committee on Women ng ocular inspection sa gusali sa Pasay City na ginamit ng POGO companies sa prostitusyon o sex trafficking, love at crypto scams, pangto-torture at iba pang iligal na gawain. Base sa impormasyon mula sa opisina ni Committee chairman Senadora Risa Hontiveros, gagawin ang inspeksyon sa Biyernes, kasabay na rin… Continue reading Senate panel, magsasagawa ng inspeksyon sa POGO hub sa Pasay City

Pagpataw ng mataas na multa sa mga dadaan sa EDSA bus lane, nakakuha ng suporta mula sa ilang motorista

Photo courtesy of MMDA

Pabor ang maraming motorista na taasan ang multa sa mga hindi awtorisadong gagamit o dadaan sa EDSA Bus Carousel Lane. Reaksiyon ito ng ilang motorista matapos aprubahan ng Metro Manila Council ang mas mataas na multa simula sa Nobyembre 13. Alinsunod sa MMDA Regulation No. 23-002, sinumang lalabag ay papatawan ng multa na P5,000 sa… Continue reading Pagpataw ng mataas na multa sa mga dadaan sa EDSA bus lane, nakakuha ng suporta mula sa ilang motorista

DBCC, makikipag-ugnayan sa Kongreso para sa mga bagong tax measure

Makikipagtulungan ang Development Budget Coordination Committee (DBCC) sa Kongreso para sa pagsasabatas ng mga bagong tax measure. Kabilang dito ang panukalang taxation on of passive income, financial intermediaries, at ang property valuation and assessment. Sa pagpupulong na ginawa kamakailan ng DBCC na pinangungunahan ni Finance Secretary Benjamin Diokno, nakalatag ang iba pang isinusulong nilang hakbang upang… Continue reading DBCC, makikipag-ugnayan sa Kongreso para sa mga bagong tax measure

Meycauayan Northbound exit, palalawakin na ng NLEX

Simula bukas Nobyembre 7, palalawakin na ang Meycauayan northbound exit mula dalawa hanggang tatlong lane. Ayon sa NLEX Corporation, ang konstruksyon ng bagong northbound exit sa F. Raymundo sa Barangay Pandayan ay magsisimula na rin. Ang nasabing proyekto ay layong maibsan ang pagsisikip ng trapiko sa Meycauayan na bahagi ng NLEX, para sa kaginhawahaan na… Continue reading Meycauayan Northbound exit, palalawakin na ng NLEX

NBI, nagsagawa na ng imbestigasyon sa pagpatay sa isang radio broadcaster sa Misamis Occidental

Tiniyak ng Department of Justice (DOJ) na nagsasagawa na ng sarili nitong imbestigasyon ang National Bureau of Investigation (NBI) sa kaso ng pagpatay kay DJ Jhonny Walker o Juan Jumalon sa totoong buhay. Ayon kay Justice Assistant Secretary Mico Clavano, maagang natanggap ng NBI ang kaso at agad nagtrabaho para makakuha ng lead. Dagdag pa… Continue reading NBI, nagsagawa na ng imbestigasyon sa pagpatay sa isang radio broadcaster sa Misamis Occidental

DSWD Sec. Gatchalian, makikipagpulong sa LGUs para palakasin ang Kalahi-CIDSS program

Nakatakda nang isagawa sa Miyerkules ng Department of Social Welfare and Development (DSWD) ang National Consultative Meeting sa SMX Convention Center sa Angeles City, Pampanga. Nilalayon nito na palakasin ang Kapit-Bisig Laban sa Kahirapan-Comprehensive and Integrated Delivery of Social Services (Kalahi-CIDSS) ng DSWD. Sa nasabing aktibidad, makikipagpulong si DSWD Secretary Rex Gatchalian sa may 650… Continue reading DSWD Sec. Gatchalian, makikipagpulong sa LGUs para palakasin ang Kalahi-CIDSS program

Mas mataas na multa sa Edsa-Bus Carousel Lane violators, ipapatupad ng MMDA sa darating na Nov. 13

Inanunsiyo ni Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) Acting Chairperson Atty. Don Artes, na sa November 13 na ipatutupad ang mas mataas na multa sa mga hindi awtorisadong sasakyan na pumapasok sa EDSA-Bus Carousel Lane. Sa ilalim ng MMDA Regulation No. 23-002, sinabi ni Artes na ang mas mataas na multa ay: First Offense – P5,000;… Continue reading Mas mataas na multa sa Edsa-Bus Carousel Lane violators, ipapatupad ng MMDA sa darating na Nov. 13

Ilang kumpanya ng langis, naglabas ng rollback sa presyo ng produktong petrolyo bukas

Goodnews para sa mga motorista, dahil magkakaroon ng rollback sa presyo ng produktong petrolyo bukas. Alas-6 ng umaga bukas, ipapatupd ng mga kumpanya ng Pilipinas Shell, Sea Oil, at Petro Gazz ang tapyas na P0.40 sa kada litro ng gasoline; P1.10 sa kada litro ng diesel, at P1.5 sa kada litro ng kerosene. Samantala, ang… Continue reading Ilang kumpanya ng langis, naglabas ng rollback sa presyo ng produktong petrolyo bukas