Kinuha na ng 50-taong gulang na lalaki ang napanalunan niyang jackpot prize sa Philippine Charity Sweepstake Office na nagkakahalaga ng P107,506,074.20.
Ayon sa PCSO, nakuha ng solong nanalo ang winning combination na 13-31-16-01-25-10 sa MegaLotto 6/45 draw na isinagawa noong Nobyembre 6, 2023.
Sa pahayag ng lalaki, halos 28 taon na siyang tumataya sa lotto bago tumama ng jackpot prize.
Binili nito ang kanyang ticket sa lotto outlet sa Barangay Pinyahan sa lungsod Quezon at tinayaan ang mga numero ng birthdates ng kanyang mga kaanak.
Plano niyang mag-invest sa kanyang napanalunan sa iba’t ibang business ventures at maglaan ng bahagi para sa savings. | ulat ni Rey Ferrer