Tatlong daang (300) bagong tablets ang tinanggap ng Department of the Interior and Local Government (DILG) mula sa Cherry Mobile Philippines.
Ang donasyong gadgets na nagkakahalaga ng mahigit P2.9 million ay para sa mga piling community-based drug rehabilitation centers.
Bahagi ito ng napagkasunduan ng DILG at mobile firm upang mapalakas ang partnership para sa Buhay Ingatan, Droga’y Ayawan (BIDA) Program.
Nagpasalamat si DILG Secretary Benhur Abalos sa Cherry Mobile sa pagsuporta sa anti-illegal drugs campaign ng pamahalaan.
Bukod sa pagbibigay ng tablets nangako rin ang Cherry Mobile na magbibigay ng scholarship sa mga kwalipikadong out-of-school youth, na nakasaad sa Memorandum of Agreement kasama ang DILG. | ulat ni Rey Ferrer