P25.92-M halaga ng farm machineries, ibinahagi sa mga magsasaka sa La Union

Facebook
Twitter
LinkedIn

Dalawampu’t dalawang (22) kwalipikadong Farmers’ Cooperative and Associations (FCAs) at 2 LGUs sa La Union ang nakatanggap ng farm machineries na nagkakahalaga ng P25.92M mula sa Rice Competitiveness Enhancement Fund (RCEF) Mechanization Program sa isinagawang Provincial Turn-over of Agricultural Machineries na ginanap sa San Fernando City , La Union, kahapon, Nobyembre 16.

Kabilang sa mga makinang natanggap ng mga FCA ang 24 na unit ng hand tractor at 12 unit ng rice combine harvester.

Mula nang magsimula ang programa, ang lalawigan ng La Union ay nakatanggap na ng P343M na halaga ng mga farm machinery mula sa programang RCEF.

Ang turn-over ng farm machinery ay dinaluhan ni Gov. Rafy Ortega-David, Vice Gov. Mario Eduardo Ortega, Burgos, La Union Major Dolphin Comedis, Jr., PhilMech Director III Joel Dator, Acting Chief, FMFOD-PhilMech, Engr. May Ville B. Castro, OIC Provincial Agriculturist Sharon Villoria, DA Regional Technical Director Dennis Tactac;  Ruby Ann Pongotan.

Sa kanyang mensahe, hinimok ni Gov. Rafy, ang mga benepisyaryo na ingatan at gamitin ng maayos ang mga makinarya upang mapataas ang kanilang ani at kita.

Hiniling din niya sa mga ito na patuloy na makipagtulungan sa Pamahalaang Panlalawigan sa pamamagitan ng paggamit ng sustainable farm practices upang higit na maisakatuparan at makamit ang bisyon ng La Union na maging Puso ng Agri-Turismo sa Hilagang Luzon sa taong 2025.

Umaasa ang gobernador na makakamit ang bisyong ito dahil patuloy na binibigyang-prayoridad ng Pamahalaang Panlalawigan ang sektor ng agrikultura sa lalawigan.

Nagpahayag ng kanilang lubos na pasasalamat ang mga benepisyaryo at nangakong pagyayamanin at aalagaang mabuti ang mga makinang ibinibigay sa kanila. | ulat ni Albert Caoile | RP1 Agoo

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us