Nagkaloob ng P25 million halaga ng irrigation project sa Tibolisay Irrigators Association, Inc., isang grupo ng mga magsasaka sa Catanduanes, ang National Irrigation Administration o NIA.
Ang Timbaan Communal Irrigation Project (CIP) ay pinondohan sa ilalim ng Comprehensive Agrarian Reform Program- Irrigation Component (CARP-IC) habang sa NIA naman ang implementasyon nito.
Ang nasabing irrigation project na matatagpuan sa barangay Timbaan, San Andres, Catanduanes ay pormal nang naiturn over sa nasabing asosayon nito lamang nagdaang linggo.
Dumalo sa turnover ang mga opisyal ng NIA sa pangunguna ni NIA Bicol Regional Manager, Engr. Gaudencio M. Devera, kasama ang ilang lokal na oposyal ng lalawigan.
Ayon kay De Vera, tungkulin nilang makapagbigay ng reliable na irrigation projects sa mga magsasaka bilang suporta sa National Government’s Sustainable Development Goals at 7-point strategic agenda ni NIA Administrator Eduardo Eddie G. Guillen.
Inaasahang aabot sa mahigit 60 magsasaka ang mabebenepisyuhan ng 54 ektaryang service area ng nasabing proyekto na magmumula sa mga barangay ng Timbaan, Bon-ot at Lictin sa bayan ng San Andres.
Samantala, pinuri naman ni Catanduanes cong leo rodriguez ang pagsisikap na ito ng NIA na mkapagbigay ng crucial irrigation projects sa lalawigan na layuning mapabuti ng buhay ng mga magsasaka. | ulat ni Juriz Dela Rosa | RP1 Virac