P69.4-B na pondo para sa year-end bonus at cash gift para sa gov’t employees, ilalabas na simula ngayong araw

Facebook
Twitter
LinkedIn

Inanunsyo ng DBM na simula ngayong araw, ilalabas na ang year-end bonus at cash gift para sa mga kwalipikadong kawani ng pamahalaan.

Nagkakahalaga ito ng P69.4 bilyon na pondo.

Mula sa kabuuang pondo na ito, P45.3 billion ay para sa YER ng civilian personnel sa national government agencies at P15.2 billion naman para sa military o uniformed personnel.

Habang ang P8.9 billion ang inilaan ng pamahalaan para sa cash gift ng mahigit 1.7 million civilian, military at uniformed personnel.

“This is a well-deserved symbol of appreciation for our government workers, our heroes, who give their all for the country— those who walk the extra mile and spend longer work hours out of their sheer sense of public service. This is in line with the directive of President Ferdinand R. Marcos, Jr. to ensure that our government workers are given these rightful tokens for all their sacrifices that are greatly contributing to the reactivation of our economy,” — Secretary Pangandaman.

Ayon kay Budget Secretary Amenah Pangandaman, ang year-end bonus ay katumbas ng isang buwang sweldo ng government employee, habang ang cash gift ay nagkakahalaga ng P5,000.

“Alam ko marami sa inyo na excited matanggap ang bonus ninyo, pero sana huwag natin kalimutang gamitin ito ng tama. Spend it wisely, and invest it on things and needs that truly matter. Unahin ninyo ang mga kailangan kaysa luho lang,” —Secretary Pangandaman.

Makatatanggap aniya ng year-end bonus at cash gift ang mga kawani ng gobyerno na nagsilbi ng hindi bababa sa apat na buwan, mula January 1 hanggang October 31 ng kasalukuyang taon at nanatili sa serbisyo hanggang nitong October 31. | ulat ni Racquel Bayan

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us