P7.5-M halaga ng pinansyal na tulong, ipinagkaloob sa 2,500 residente ng San Juan, La Union

Facebook
Twitter
LinkedIn

Ipinamahagi ang P7.5 million na halaga ng financial assistance sa mga pinakanangangailangang residente ng San Juan, La Union.

Nakatanggap ng tig P3,000 na tulong pinansyal ang 2,500 benepisyaryo na kinabibilangan ng nga drivers ng tricycle at jeepney, mga miyembro ng Indigenous Peoples Community, LGBTQ at religious sector.

Personal na pinangunahan ni Senator Imee Marcos ang seremonyal na distribusyon sa tulong-pinansyal sa San Juan Municipal Gymnasium.

Namahagi pa ang senadora ng nutribun at laruan sa mga bata.

Sa mensahe ng senadora, inihayag nito ang hindi nagmamaliw na pagmamahal ng pamilya Marcos sa mga Ilokano.

Nangako ang senadora na magkakaloob ito ng mas marami pang tulong sa mga residente ng San Juan at sa kabuoan ng lalawigan ng La Union.

Nagmula ang pondong ginamit sa Assistance to Individuals in Crisis Situation (AICS) program ng Department of Social Welfare and Development (DSWD)-Region 1 na pinapangunahan ni Regional Director Marie Angela Gopalan.| ulat ni Glenda B. Sarac| RP1 Agoo

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us