Pag-amyenda sa fuel subsidies sa ilalim ng 2024 GAA, suportado ng DOF

Facebook
Twitter
LinkedIn

Suportado ng Department of Finance ang panukalang amyendahan sa 2024 General Appropriations Act (GAA) provision para sa fuel subsidies ng transport sector.

Ginawa ni Finance Secretary Benjamin Diokno ang pahayag kasunod nang naitalang 4.9% inflation para sa buwan ng Oktubre.

Maaalalang una nang sinabi ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. na nais niyang gawing simple at paikliin ang panahon ng paglalabas ng subsidiya depende sa “trigger period” kapag nagtaas ang presyo ng kada bariles ng langis.

Ayon kay Diokno, makakatulong ito upang maibsan ang oil inflation.

Isa pang nakikitang paraan ni Diokno ay ang pagpapatupad ng ethanol blend sa gasolina upang mapababa ang presyo.

Upang maibsan naman ang epekto ng second-round toll rate hike sa food inflation, itinutulak ng gobyerno ang pagpapatupad ng rate hike exemption sa mga delivery truck na ginagamit sa pagbiyahe ng mga produktong agrikultural.

Tiniyak din ng kalihim na nananatiling nakabantay ang Inter-Agency Committee on Inflation and Market Outlook (IAC-IMO) sa food inflation para sa napapanahong pagbabalangkas ng rekomendasyon sa patakaran upang mabawasan ang inflationary pressures. | ulat ni Melany Valdoz-Reyes

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us