Pag-iisyu ng guarantee letter sa ilalim ng AICS Program ng DSWD, pansamantalang sususpindihin

Facebook
Twitter
LinkedIn

Inanunsiyo ng Department of Social Welfare and Development (DSWD) na pasamantalang sususpindihin ang pagbibigay o pag-iisyu ng guarantee letters sa ilalim ng Assistance to Individuals in Crisis Situation (AICS) Program sa lahat ng opisina ng ahensya sa buong bansa.

Ito ay upang bigyang-daan ang annual liquidation na bahagi ng taunang fiscal obligation alinsunod sa utos ng ng Department of Budget and Management (DBM) at ng batas.

Batay sa abiso, ang suspensyon sa pag-iisyu ng guarantee letter ay simula sa December 7 hanggang December 31, 2023.

Ayon sa DSWD, ito rin ay makakapagbigay ng sapat na oras sa pag-aayos ng mga kinakailangang dokumento para mabayaran ang mga service provider sa mga naiabot na tulong sa mga kliyente ng ahensya sa pamamagitan ng guarantee letter.

Ngunit upang hindi mahinto ang tulong na ibinibigay ng DSWD, patuloy pa rin ang pamimigay ng outright cash assistance para sa ating mga kwalipikadong benepisyaryo.

Sa Enero 2024 naman muling ibabalik ang pagbibigay ng guarantee letter. | ulat ni Diane Lear

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us