Pagbaba sa bilang ng mga pamilya na itinuturing ang sarili na mahirap at gutom, patunay na epektibo ang intervention program ng pamahalaan

Facebook
Twitter
LinkedIn

Ikinalugod ni Speaker Martin Romualdez ang resulta ng dalawang magkahiwalay na survey kung saan bumaba ang bilang ng mga Pilipino na ikinokonsidera ang sarili bilang mahirap at nagugutom sa 3rd quarter ng taon.

Aniya, patunay ito na epektibo ang ginagawang mga hakbang ng pamahalaan para tugunan ang kahirapan at kagutuman.

“We should all welcome and be happy about this piece of good news. It means that the intervention programs of President Ferdinand Marcos Jr., supported by the legislature, principally the House of Representatives, are working,” ani Romualdez.

Tinukoy ng House leader ang pagsipa ng ekonomiya ng bansa sa 5.9% sa 3rd quarter na isa sa dahilan ng pagbaba sa bilang ng mahihirap.

Nagkaroon kasi aniya ng mas maraming economic activity at trabaho.

Malaking tulong din aniya ang kampanya ng pamahalaan kontra price manipulation, profiteering, hoarding, at smuggling ng agricultural products, kasama na ang pagpapatupad ng price cap sa bigas dahil na-stabilize ang presyo ng mga bilihin.

Makakaasa naman aniya ang Ehekutibo na susuporta ang Kongreso sa mga programa at proyekto upang lalo pang mapababa ang bilang ng mga naghihirap at nagugutom.

Kamakailan lang inilunsad din ng Kamara, katuwang ang Department of Social Welfare and Development (DSWD), ang CARD (for Cash Assistance and Rice Distribution) kung saan bibigyan ng tulong pinansyal at pabigas ang libong vulnerable at indigent sa Metro Manila at ilan pang lalawigan.

Ayon sa OCTA Research, mula sa 13.2 million na pamilya na itinuturing ang sarili na mahirap noong 2nd quarter, bumaba na ito sa 12.1 million ngayong 3rd quarter.

Habang sa SWS survey naman mula sa 10.4% na mga nakararanas ng involuntary hunger, ay bumaba ito sa 9.8%. | ulat ni Kathleen Jean Forbes

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us