Suportado ni Senador Ronald ‘Bato’ dela Rosa ang pagbibigay ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. ng amnestiya para sa mga rebelde kasama na ang CPP NPA NDF.
Malaki ang paniniwala ni dela rosa na makapagbibigay ng pang matagalang kapayapaan ang naging hakbang na ito ng punong ehekutibo, lalo na aniya sa Mindanao.
Pinaliwanag ng senador, na dating naging chief PNP, ito lang ang nagiging hadlang para sa ilang rebelde na bumaba na.
Aniya, hindi nila magawang magbalik sa kanilang mga pamilya dahil sa mga nakabinbin pang kaso laban sa kanila.
Base sa naging kautusan ng Malakanyang, sakop ng amnestiyang ibibigay sa mga rebelde ang para sa kasong rebelyon; conspiracy to commit rebellion; dishonesty of public officers or employees; sedition; conspiracy to commit sedition; at inciting to sedition.
Bukod sa CPP NPA NDF, kasama rin sa mabibigyan ng amnestiya ang Rebolusyonaryong Partido ng Manggagawa ng Pilipinas/Revolutionary Proletarian Army/Alex Boncayao Brigade (RPMP-RPA-ABB); Moro Islamic Liberation Front (MILF); at Moro National Liberation Front (MNLF). | ulat ni Nimfa Mae Asuncion