Pagbili ng 5 multi-role response vessel ng PCG, inaprubahan ng NEDA Board

Facebook
Twitter
LinkedIn

Inaprubahan sa ika-11 NEDA Board meeting ang tatlong malalaking proyektong pang-imprastraktura at pagpapalakas ng maritime security ng Pilipinas.

Kabilang dito ang higit P29 billion na Phase 3 Maritime Capability ng Philippine Coast Guard na kinabibilangan ng limang multi role response vessels.

Ayon kay NEDA Secretary Arsenio Balisacan, palalakasin lamang nito ang kakayahan ng PCG sa pagtugon sa anumang banta o insidente sa maritime territory ng Pilipinas.

Inaprubahan rin ng NEDA Board ang P28.2 billion na Pang-Agraryong Tulay Para sa Bagong Bayanihan ng mga Magsasaka o PBBM Bridges Project ng Department of Agrarian Reform (DAR).

Layon naman nitong magtayo ng 350 modular steel bridges sa iba’t ibang lugar sa bansa, para sa pagpapaigting ng access at connectivity para sa agrarian reform communities.

Maging ang revised parameters, terms, and conditions (PTCs) para sa Tarlac-Pangasinan-La Union Expressway o TPLEX Extension Project.

“We will continue with our commitment to pursue important initiatives to ensure social and economic transformation towards a matatag, maginhawa, at panatag na buhay para sa lahat.” — Secretary Balisacan.

Ayon pa kay Secretary Balisacan, sa ilalim ng Build-Better-More (BBM) Program ng administrasyon, nakumpleto na ang Samar Pacific Coastal Road Project ng Department of Public Works and Highways (DPWH).

“Currently, there are 71 ongoing projects, 29 projects approved for implementation, 9 projects awaiting government approval, 52 projects in the project preparation phase, and 35 projects in the pre-project preparation phase as of the third quarter of 2023, the NEDA official reported.” — PCO. | ulat ni Racquel Bayan

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us