Pagbiyak sa prangkisa ng Meralco, tinutulan ng Mindanao solon

Facebook
Twitter
LinkedIn

Hindi pabor si Cagaan de Oro Representative Rufus Rodriguez sa panukala na hatiin sa tatlo ang prangkisa ng Meralco.

Para sa mambabatas na miyembro ng House Committee on Energy at Economic Affairs, mas mahalaga na pangalagaan ang kapakanan ng consumers at hanapan ng kongkretong solusyon ang mataas na presyo ng kuryente gayundin ang pagsiguro na hindi maputol ang suplay ng kuryente, hindi lamang sa mga lugar na hawak ng Meralco kung hindi sa buong bansa.

“As representatives of the Filipino people, it is our responsibility to enlighten the public about what is really happening and not cause confusion by bringing up proposals that have not been carefully studied,” ani Rodriguez.

Punto naman ni Rodriguez, na wala siyang problema sa kuwestiyon kaugnay ng kawalan ng bagong Weighted Average Cost of Capital (WACC) ng Meralco at iba pang power distributor, upang makapagtakda umano ng bagong rate.

Ngunit kung ang WACC ang problema ay mas marapat na ito aniya ang isailalim sa review, at atasan ang Energy Regulatory Commission na tapusin ang rate process.

Tanong pa ni Rodriguez sa mga nananawagan na hatiin ang prangkisa ng Meralco, sino ang nakikita nilang hahawak sa lugar na mawawalan ng serbisyo at titiyak na mayroon pa ring suplay ng kuryente ang naturang mga lugar.

Sabi pa ng mambabatas, ang mga isyung ito ay lumabas ilang taon bago ang expiration ng prangkisa ng Meralco kaya’t malinaw na may ibang interes ang mga nagsusulong nito.| ulat ni Kathleen Forbes

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us