Pagbubukas ng Rafah border, inaasahang maging daan sa mabilis at ligtas na repatriation ng OFWs na apektado ng Israel-Hamas conflict — mambabatas

Facebook
Twitter
LinkedIn

Umaasa si Camarines Sur Rep. LRay Villafuerte na agad at ligtas na mapapauwi ang Overseas Filipino Workers na naipit sa Israel- Hamas conflict.

Ginawa ni Villafuerte ang pahayag kasunod ng pagbubukas ng Rafah crossing sa mga refugee malapit sa Egyptian border.

Dahil aniya sa latest development, ipinauubaya ng kongresista sa Department of Foreign Affairs ang pagsisikap na maiuwi nang ligtas ang mga Pilipino na naapektuhan ng tumitinding alitan sa pagitan ng Israel at Palestine.

Kasamang uuwi ng OFWs ang mga labi ng mga migranteng manggagawa na nasawi matapos ang land-sea-attacks na isinagawa ng Hamas militants sa bayan ng Israeli border.

Kasabay nito, nanawagan rin ang mambabatas sa DFA na ibigay ang lahat ng uri ng tulong sa OFW. | ulat ni Melany Valdoz-Reyes

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us