Pagbuo ng Special Investigation Task Group sa kaso ng pagpatay sa radio anchor sa Misamis Occidental, ipinag-utos na ng PRO-10

Facebook
Twitter
LinkedIn

Ipinag-utos na ng Police Regional Office 10 ang pagtatatag ng Special Investigation Task Group (SITG) na mag-iimbestiga sa kaso ng pinatay na radio broadcaster sa Misamis Occidental kaninang umaga.

Nais ni PRO 10 Director General Ricardo Layug Jr. na matutukan at mapabilis ang pagresolba sa kaso at matukoy ang mga nasa likod ng krimen.

Sinabi ni General Layug na kaisa ng media community ang pulisya sa pagkundina sa insidente sabay ng pagtiyak na proteksyunan ang mga mamamahayag sa rehiyon.

Ang broadcaster na si Juan Jumalon alyas Johnny Walker ay nagpro-programa sa kanyang istasyon na 94.7 Calamba Gold FM sa Barangay Son Bernardo Nire Calamba, Misamis Occidental ng barilin ng salarin.

Nagkunwari ang salarin na may ipapanawagan sa radyo pero pagdating sa loob ng announcer’s booth ay malapitang binaril ang biktima na agarang binawian ng buhay. | ulat ni Rey Ferrer

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us