Pagbuti ng revenue collection sa huling bahagi ng taon, inaasahan — Finance Secretary Diokno

Facebook
Twitter
LinkedIn

Inaasahan ang pagbuti ng revenue collection ng gobyerno sa natitirang buwan ng 2023 sa gitna ng masiglang aktibidad sa Christmas season.

Ayon kay Finance Secretary Benjamin Diokno, ang ‘manageable inflation’ na nakaapekto sa mga mamimili sa mga nakaraang buwan ay makatutulong sa gobyerno upang makalikom ng kita.

Aniya, sa fourth quarter, inaasahan ang pagtaas ng koleksyon mula sa Bureau of Internal Revenue at Bureau of Customs habang nagpapatupad ng ‘catch-up plan’ ang mga ahensya ng gobyerno.

Kabilang sa mga programa upang mapalakas ang pangongolekta ng buwis at ang “Run After Tax Evaders (RATE)”, Oplan Kandado, Philippine Offshore Gaming Operator (POGO) task force; strike team; at digital transformation programs ng BIR.

Nangako naman ang BOC na ipatutupad ang fuel marking program, paiigtingin ang post-audit clearance ng mga importer, mapahusay ang pangangalakal at palalakasin ang mga border.

Dagdag pa ng kalihim, ang patuloy na pagsisikap ng pamahalaan ay naging epektibo sa pagpapalakas ng paggasta upang mapanatili ang ‘robust expenditure performance’ sa mga susunod na buwan. | ulat ni Melany Valdoz-Reyes

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us