Pagkakataon na naman para makahikayat ng mamumuhunan sa Pilipinas ang nakatakdang pagdalo ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. sa APEC 2023.
Ayon kay Deputy Speaker Yasser Balindong, oportunidad umano ang pulong na gaganapin mula November 15 hanggang 17 para makakuha ng investments sa bansa.
“I bid President Marcos Jr. good fortunes when he attends the APEC summit this coming week. He is in an ideal position to bring in more pledges for foreign investments. Since he began his term as Chief Executive in 2022, he has already brought billions of dollars in investment pledges,” saad ni Balindong, na siya ring chair ng House Committee on Mindanao Affairs.
Aniya, sa lahat ng mga biyahe ng pangulo sa ibang bansa ay intentional at deliberate ang kaniyang paghimok sa mga investor na mamuhunan sa Pilipinas.
“I encourage my colleagues to support President Marcos Jr. in his endeavor to propel our economy to great heights by passing priority legislation that will make the investment climate in the country more conducive and attractive to foreign investors…We do hope and pray that President Marcos Jr. will be able to bring home more investments that will help our economy and our people,” dagdag ni Balindong.
Ganito rin ang pananaw ni Occidental Mindoro Lone District Rep. Leody “Odie” Tarriela.
Aniya kabilang sa mga maaaring matalakay sa naturang pulong ang mga isyung pang-ekonomiya at seguridad kasama ang 21 member-nations ng APEC, kasama ang United States at iba pang kaalyado gaya ng Japan, Australia, Canada, South Korea, and New Zealand.
“The economic benefits our country could derive from the President’s APEC meetings and bilateral discussions are enormous. They could help us sustain our economic growth in the days ahead,” sabi ni Tarriela.
Karamihan din kasi aniya sa pinakamalalaking export at import partner ng Pilipinas at kabahagi ng APEC
“Our economy grew by 5.9 percent in the third quarter of this year. We hope to do better in the succeeding quarters with investments and financial and economic assistance from our APEC friends and allies,” diin ni Tarriela.
Maliban dito, maaari aniyang samantalahain ng Presidente ang APEC para iakyat ang usaping panseguridad at tenyon sa West Philippine Sea sa kanyang pakikipagpulong sa mga lider ng United States, Canada, Australia, and Japan. | ulat ni Kathleen Jean Forbes