Pagdinig ng LTFRB sa hirit na ₱5 taas-pasahe sa jeep, on hold muna

Facebook
Twitter
LinkedIn

Hindi pa nagtatakda muli ang Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) ng petsa kung kailan muling didinggin ang hirit na ₱5 taas-pasahe sa jeep ng transport groups.

Ayon kay LTFRB Chairperson Teofilo Guadiz III, hinihintay pa ng board na ma-stabilize ang presyo ng produktong petrolyo lalo’t ito ang pangunahing kinukonsidera tuwing may fare hike petition.

Sa ngayon, pabago-bago pa kasi aniya ang presyo ng produktong petrolyo.

Sa oras naman na magtuloy-tuloy ang pagbaba sa presyo ng langis hanggang Disyembre ay maaaring magsagawa na ng pagdinig hinggil sa hirit na taas-pasahe.

Sa ngayon, ₱1 provisional increase pa lamang ang inaprubahan ng LTFRB sa pampasaherong jeep. | ulat ni Merry Ann Bastasa

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us