Welcome para kay Bohol Representative Kristine Tutor ang paggamit ng mga awtoridad ng teknolohiya, partikular ang computer-generated image ng facial description ng suspek sa pamamaslang sa radio broadcaster na si Juan Jumalon.
Ayon kay Tutor, panahon nang gumamit ng technological advances sa forensics at criminal investigation sa bansa.
Ito aniya ay upang makasabay ang pagresolba sa mga krimen sa 21st century standards.
“Standardizing the use of computer-generated images of suspects and persons of interest in criminal investigation is necessary to bring our criminal justice system forward into the 21st century,” sabi ni Tutor.
Kasabay nito ay inihayag ng mambabatas na may binalangkas na itong panukala para sa pagtatatag ng National Forensics Service na bahagi ng Forensic Sciences and Services Authority of the Philippines sa ilalim ng Department of Science and Technology.
Nilalayon nito na magkaroon ng lupon ng lisensyado o certified forensic investigators na may specializations sa forensic pathology, forensic accounting and auditing, at electronic o digital forensics. | ulat ni Kathleen Jean Forbes