Patuloy na binibigyan ng mga aktibidad ang mga Persons Deprived of Liberty (PDLs) sa Provincial Jail ng Lanao del Sur upang maging produktibo kahit na sila ay nakabilanggo kung kaya kamakailan lamang ay aktibong nakilahok ang dalawmpu’t limang (25) PDLs sa paggawa ng baul o tinatawag na “baor” sa Meranaw.
Ayon kay Provincial Warden Haron Maruhom, kabilang ito sa layunin ng kanilang tanggapan na mabigyan ng rehabilitasyon ang mga bilanggo sa pamamagitan ng pagbibigay sa kanila ng pagsasanay na magiging kanilang kabuhayan upang maging abala sa mga makabulohang aktibidad kagaya ng paggawa ng mga handicrafts.
Samantala, ang kanilang mga produkto ay binibili naman ng iba’t ibang sektor kabilang ang Pamahalaan ng Lalawigan ng Lanao del Sur na nagagamit raw tuwing may okasyon at nagiging token o regalo sa mga bisita.
Maliban sa baor making ay binibigyan rin sila ng pagsasanay sa paggawa ng bread and pasty kasama ang Technical Education & Skills Development ng Ministry of Basic, Higher & Technical Education. | ulat ni Johaniah Yusoph | RP1 Marawi