Pinangunahan ni Armed Forces of the Philippines (AFP) Chief of Staff Gen. Romeo Brawner Jr. ang paggawad ng promosyon sa susunod na ranggo ng anim na matataas na opisyal ng AFP.
Ang mga bagong promote na opisyal ay pinangunahan ni Lt.Gen. Steve Crespillo, ang bagong The Inspector General AFP.
Kasama sa mga na-promote sina: MGen. Arvin Lagamon, Deputy Chief of Staff for Civil-Military Operations, J7; Commodore Peter Jempsun De Guzman, Assistant Deputy Chief of Staff for Operations, AJ3; BGen. Benedict Balaba, Deputy Chief of the Intelligence Service AFP; BGen. Ramon Flores, Commandant of Cadets of the Philippine Military Academy; at BGen. Ivan Papera, Chief of the AFP Systems Engineering Office.
Sa kanyang mensahe sa donning of ranks ceremony sa Camp Aguinaldo kahapon, binilinan ni Gen. Brawner ang mga bagong-promote na opisyal na patuloy na ipamalas ang AFP core values na Honor, Integrity, at Service sa pagganap ng kanilang tungkulin bilang mga pinuno. | ulat ni Leo Sarne
📷: Sgt Ambay/PAOAFP