Pagkaka-aresto sa bigtime onion smuggler, patunay na seryoso ang administrasyon na labanan ang agricultural smuggling

Facebook
Twitter
LinkedIn

Patotoo na seryoso ang administrasyong Marcos sa pagsawata sa agricultural smuggling sa pagkakahuli sa pinaghihinalaang large-scale onion smuggler na si Jayson Taculog pati ang pagkakasabat ng P78.9 million na halaga ng agricultural goods.

Ito ang tinuran ni AKO BICOL party-list Rep. Elizaldy Co kasabay ng pagbibigay papuri sa pagkaka-aresto kay Taculog.

Punto nito, hindi lang puro salita ang Pangulo dahil bilang na talaga ang araw ng mga agri-smugglers.

“The apprehension of Mr. Taculog, following the confiscation of P78.9 million worth of illegally imported agricultural goods, is tangible proof of President Marcos’ commitment to ending this detrimental practice. This is not mere lip service. The President’s pronouncement in his State of the Nation Address – that the days of agricultural smugglers are numbered is now being actualized.” sabi ni Co.

Paalala ni Co na hindi lang basta hindi nasisingil na buwis ang nawawala dahil sa agricultural smuggling.

Pinapahina din aniya ng smuggling ang agriculture sector sa pamamagitan ng pagbebenta sa mas mababang halaga dahilan para malugi ang mga lokal na magsasaka.

Bilang suporta ng lehislatura sa ehekutibo, ay pinagtibay na aniya nila sa Kamara ang House Bill 9284 o pagturing sa large-scale smuggling, hoarding, profiteering, at cartelizing ng Agri-Fishery Commodities at Tobacco products bilang economic sabotage para sa mas mabigat na parusa gaya ng habambuhay na pagkakakulong. | ulat ni Kathleen Jean Forbes

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us