Para kay Senador Sherwin Gatchalian, maituturing na pambihirang tagumpay ang pagkakasundo ng gobyerno ng Pilipinas at ng National Democratic Front (NDF) na magkaroon ng mapayapang resolusyon para tuldukan ang armed conflict.
Ayon kay Gatchalian, makakatulong ito sa pagkakaroon ng isang mapayapa at progresibong Pilipinas.
Iginiit ng senador na sinasalamin ng hakbang na ito ang commitment na bigyang prayoridad ang diplomasya kaysa sa pakikibaka.
Umaasa rin si Gatchalian na ang development na ito ay magreresulta sa pagtigil ng mga labanan at pagkakaroon na ng pangmatagalang kapayapaan upang matahimik na ang mga komunidad sa kanayunan na direktang naapektuhan ng mga armed conflict.
ang pagkakasundong ito ay dapat rin aniyang magtulak ng pagkakaroon ng whole-of-government approach para sa pagkakaroon ng economic development na mas inclusive at mas malawak. | ulat ni Nimfa Mae Asuncion