Welcome kay Agri Party-list Representative Wilbert Lee ang pagkakatalaga ni Francisco Tiu Laurel Jr. bilang bagong DA Secretary.
Umaasa si Lee na sa ilalim ng pamumuno ni Laurel ay maipagpapatuloy ang mga nasimulang programa at proyekto ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. sa kagawaran.
Anya, nakasalalay sa kamay ng bagong kalihim ang pagpapaunlad sa sektor ng agrikultra ng bansa.
Naniniwala ang mambabatas na sa nakalipas na mahigit isang taon, meron nang magagandang hakbang ang Administrasyon Marcos sa pagpapaunlad at pagbibigay ng kinakailangang suporta sa agrikultura.
Aminado rin ang Party-list solon na mabigat ang hamon na kinahaharap ngayon ng sector ng agrikultura.
Umaasa anya siya na sa pamumuno ni Sec. Laurel, mananatili ang pagtutok ng gobyerno para tuluyang matugunan ang deka-dekadang mga problema ng mga kababayan nakasalalay ang kabuhayan sa agrikultura.
Anya, handa siyang makipagtulungan sa bagong kalihim upang isulong ang kapakakanan ng mga agricultural workers dahil ang tagumpay ni Sec. Laurel ay tagumpay ng sector ng agrikultura. | ulat ni Melany Valdoz-Reyes