Nilinaw ni Justice Secretary Jesus Crispin Remulla na normal na proseso sa pisklaya ang pagpapatawag sa isang inirereklamo sa pamamagitan ng summon.
Sagot ito ni Sec. Remulla matapos maglabas ng subpoena ang Quezon City Prosecutor’s Office laban kay dating Pangulong Rodrigo R. Duterte dahil sa kasong grave threat na isinampa ni Alliance of Concern Teacher Representative France Castro.
Sa naturang summon, pinahaharap ng piskal ng Lungsod Quezon ang dating Pangulo para sagutin ang reklamo sa December 4 at December 11.
Ayon sa Justice Department, kailangan dinggin ang sagot ng inireklamo bago ito magdesisyon kung dapat ba o hindi na ibasura ang kaso.
Sa tanong kung may motibong politikal ang nasabing kaso, sagot ni Remulla, depende lamang daw ito sa interpretasyon ng magkabilang panig.
Pero sa hanay ng prosekusyon, magdedepende ito sa ebidensya at testimonya na ipiprisinta ng nagrereklamo at inireklamo. | ulat ni Michael Rogas