Paglagda ng US$20-M joint venture sa pagitan ng Lloyd Laboratories ng Pilipinas at ng US-based na DifGen Pharmaceutic, sinaksihan ni Pangulong Marcos Jr.

Facebook
Twitter
LinkedIn

Saksi si Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. sa nilagdaang US$20 million joint venture sa pagitan ng Pinoy pharmaceutical company na Lloyd Laboratories at ng US-based na DifGen Pharmaceutic.

Ang nasabing development ay inaasahang magpapalakas sa lokal na produksyon ng gamot sa Pilipinas.

Ayon sa Pangulo, importante ang nasabing hakbang na aniya ay tungo sa pagpapalawak ng lokal na produksyon ng bansa, at pagsusulong ng isang competitive at matibay na lokal na industriya ng gamot.

Ang pamumuhunan ng hanggang US$20 million ay gagawin ng Lloyd Laboratories para sa pagtatatag at operasyon ng unang US Food and Drugs Administration approved na  pasilidad ng paggawa sa Pilipinas, na inaasahang mag-aambag sa pag-unlad ng posisyon ng Pilipinas bilang isang pangunahing bahagi sa pandaigdigang industriya ng gamot. Iprinisinta nina Lloyd Laboratories at DifGen Pharmaceutic ang kanilang pinirmahang kasunduan kay Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. sa Ritz Carlton Hotel sa San Francisco, sa tabi ng kanyang partisipasyon sa Asia Pacific Economic Cooperation Summit. | ulat ni Alvin Baltazar

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us