Paglagda sa Oslo Joint Communique, welcome sa DILG

Facebook
Twitter
LinkedIn

Welcome development para sa Department of the Interior and Local Government ang paglagda ng Pilipinas at the National Democratic Front of the Philippines (NDFP) sa Oslo Joint Communique.

Ayon kay DILG Sec. Benhur Abalos Jr., mahalagang hakbang ito sa peace process at malinaw na simbolo ng commitment ni Pangulong Ferdinand R. Marcos, Jr. para maresolba na ang dekadang armed conflict.

Ipinunto nito ang malaking ginagampanan ng DILG sa peace agenda ng administrasyong Marcos.

Umaasa naman si Sec. Abalos na magdulot pa ng magandang development ang Oslo Joint Communique para sa tuluyang pagkakasundo ng gobyerno at NDF.

Kasunod nito, nanawagan ang kalihim sa bawat Pilipino na suportahan ang hakbang na ito para maabot ang kapayapaan at pagkakaisa sa bansa. | ulat ni Merry Ann Bastasa

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us