Paglalagay ng sariling bus marshals ng mga kumpaniya ng bus, pinag-aaralan na ng PNP

Facebook
Twitter
LinkedIn

Pinag-aaralan na ng Philippine National Police (PNP) ang posibilidad na payagan ang mga kumpaniya ng bus na maglagay ng mga sariling bus marshal sa kanilang mga yunit.

Ito’y kasunod na rin ng nangyaring pamamaril sa dalawang indibidwal noong November 15 habang sakay ng Victory Liner bus sa Carranglan, Nueva Ecija.

Una rito, ipinag-utos na ni Transportation Secretary Jaime Bautista sa mga kumpaniya ng bus na magdoble higpit ng kanilang seguridad upang hindi malusutan ng mga masasamang loob at maging crime scene pa ang kanilang yunit.

Ipinag-utos na rin ni PNP Chief General Benjamin Acorda Jr. na pag-aralan din ang pagbabalik ng Police bus marshals upang tiyakin ang seguridad ng mga pasahero ng bus.

Sa panig naman ng mga Provincial bus operator, tatalima sila sa mga alituntunin ng pamahalaan na gumawa ng mga hakbang para tiyaking ligtas na makabibiyahe ang  kanilang mga parokyano.

Ayon kay PNP Public Information Office Chief Colonel Jean Fajardo, puspusan na ang ginagawang pakikipag-ugnayan ng Supervisory Office for Security and Investigation Agencies (SOSIA) sa mga kumpaniya ng bus para paigtingin ang kanilang seguridad.  | ulat ni Jaymark Dagala

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us