Paglaya ni Noralin Babadilla mula sa kamay ng Hamas, ipinagpasalamat ng Kabayan Party-list solon

Facebook
Twitter
LinkedIn

Kaisa si Kabayan Party-list Representative Ron Salo sa pagpapasalamat na sa wakas ay ligtas at malaya na ang Pinay na si Noralin Babadilla, na kasamang na-hostage ng grupong Hamas noong Oktubre 7.

“We rejoice with the family of Noralin Babadilla and the Filipino people on the wonderful news of her safe return to Israel. This moment brings immense relief to all of us, especially considering the very long silence on her whereabouts,” sabi ni Salo.

Bilang chairperson ng House Committee on Overseas Workers Affairs, pinasalamatan nito si Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr., Department of Foreign Affairs, at ating mga embahador sa kanilang pagtutulungan para matiyak ang ligtas na paglaya ni Babadilla.

Malaking bagay din ani Salo ang suporta at tulong ng gobyerno ng Egypt at State of Qatar, para sa proseso ng negosasyon at paglaya ng ating kababayan.

Ipinapakita lamang aniya nito ang matibay na relasyon sa pagitan ng mga bansa lalo na sa gitna ng krisis.

Patuloy naman aniya ang pamahalaan sa misyon nito na siguruhin ang kapakanan at kaligtasan ng lahat ng mga distressed Filipino sa ibayong dagat.

“The unity and cooperation demonstrated in Noralin’s case serve as a testament to the unwavering support of our government to our Filipino nationals abroad, as well as the strength of international collaboration in times of need,” pagtatapos ni Salo | ulat ni Kathleen Forbes

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us