Dapat paigtingin ng pamahalaan ang mga hakbang nito partikular sa strategic priorities na naka-angkla sa Philippine Development Plan 2023-2028 upang matamo ang mga target nito sa ilalim ng Sustainable Development Goals.
Ito ang inihayag ni National Economic and Development Authority o NEDA Sec. Arsenio Balisacan nang magsalita ito sa United Nations Day Forum.
Ayon kay Balisacan, pinag-aaralan na ng Pilipinas ang kung paano mapaiigting ang mga hakbang nito kasunod ng tulong na ibibigay ng UN at kung paano ito makatutulong sa pagsasakatuparan sa 3 strategic priorities ng pamahalaan.
Kabilang sa mga palalakasing strategic priority ng pamahalaan ay ang pagpapaunlad ng mga programa sa agrikultura, paglikha ng mas maraming trabaho at ang mabilis na pag-andar ng pamumuhunan sa bansa. | ulat ni Jaymark Dagala