Pagpapakalat ng kamalayan hinggil sa isyu ng WPS, idinaan sa isang interactive exhibit

Facebook
Twitter
LinkedIn

Pormal na binuksan ang isang interactive exhibit na tumatalakay sa usapin ng West Philippine Sea ngayong araw.

Sa pangunguna ng grupong Pinoy Aksyon o Pilipino Aksyon for Governance and the Environment, binuksan ang exhibit sa isang mall sa Ortigas.

May pamagat na “Not One Inch: Our Seas, Our Hope.” inilalahad dito ang mga kwento ng mga mangingisda ng Masinloc, Zambales.

Ayon kay Jeffrey Elad, pinuno ng mga mangingisda sa El Salvador sa Masinloc, tila walang katapusan ang naranasan nilang habulan sa Scarborough.

Giit pa niya, gutom ang inaabot ng mga Pilipinong mangingisda sa tuwing haharangin sila ng mga barko ng Tsina.

Ayon naman kay Bency Ellorin ng Pinoy Aksyon at silang nag-organisa ng naturang exhibit, layunin nila na abutin lalo na ang mga kabataan sa pagbubukas ng kamalayan hinggil sa mga usaping bumabalot sa WPS.

Kailangan aniyang maitanim sa isipan ng bawat Pilipino na ang West Philippine Sea ay para sa Pilipinas at ang mga yaman nito ay para sa mga Pilipino.

Mariin din nilang kinondena ang nangyaring insidente sa Ayungin Shoal kamakailan kung saan, binomba ng tubig ng China Coast Guard ang resupply boat ng Pilipinas. | ulat ni Jaymark Dagala

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us