Pagpapalakas ng iba’t ibang partnership, susi sa pagpapaunlad ng monitoring and evaluation sector — NEDA

Facebook
Twitter
LinkedIn

Inihayag ng National Economic and Development Authority (NEDA) na mas mapapaunlad ang Monitoring and Evaluation sector sa bansa kung mas mapapalakas rin ang mga ginagawang partnership ng pamahalaan. 

Ito ang naging mensahe ni NEDA Secretary Arsenio M. Balisacan sa ginanap na 10th M&E Network Forum, na dinaluhan ng mga monitoring and evaluation practitioner sa pribado at pampublikong sektor at academe. 

Ayon kay Balisacan, mas napapalakas ng mga partnership ang kapasidad ng gobyerno na masuri ang performance ng iba’t ibang programa o proyekto ng pamahalaan. 

Inaasahan rin ng kalihim, na may mga panibagong hamon at isyu na mararanasan ang bansa na mangangailangan ng bagong solusyon, kaya naman mas magiging mahalaga aniya ang mga partnership ng pamahalaan sa pribadong sektor. | ulat ni Diane Lear

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us