“Protektahan ang maritime order sa pamamagitan ng batas at hindi ng dahas,” ito ang igiinit ni Prime Minister Fumio Kishida sa kanyang talumpati sa kongreso ngayong araw.
Tiniyak ng punong ministro sa harap ng dalawang kapulungan ng Kongreso ang suporta ng Japan upang protektahan ang freedom of the sea.
AnIya, ito ang nilalaman ng trilateral cooperation sa pagitan ng Japan-US-Philippines.
Maalalang nito lamang June kasama ang Japan’s Self-Defense Forces sa Joint US-Philippine exercise sa hangaring depensahan ang maritime sovereignty.
Sinabi ni Prime Minister Kishida, bahagi ng kanilang pagsuporta sa security and defense cooperation ng dalawang bansa ang labing dalawang barko na kanilang ibinigay sa Philippine Coast Guard para paghusayin ang Philippine maritime security capability.
Dagdag pa dito ang “warning and control radar” na ibinigay sa Philippine Air Force para naman palakasin ang “air domain awareness.”
Ayon sa bumibisitang punong ministro, sang-ayon ang Japan na pagkalooban ang Pilipinas ng coastal surveillance radar para sa Philippine Navy bilang kauna-unahang proyekto sa ilalim ng bagong tatag na Official Security Assistance.
Dagdag pa nito, sa kanilang pagpupulong ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. kahapon sa Malacañang, nagkasundo ang dalawang bansa na simulan na ang Japan-Philippines Reciprocal Access Agreement (RAA) para sa defense cooperation sa gitna ng iringan sa WPS.| ulat ni Melany V. Reyes