Pagpapalakas sa industriya ng sardinas, pinaigting ng Office of Presidential Adviser on Poverty Alleviation

Facebook
Twitter
LinkedIn

Nagkasundo ang mga mga manufacturer ng sardinas at Office of Presidential Adviser on Poverty Alleviation na magtutulungan para mapalakas pang lalo ang industriya.

Ito ang sentro ng 6th National Sardines Industry Congress na ginawa sa KCC Convention Center sa Zamboanga City.

Ayon kay Sec. Larry Gadon, malaki ang ambag ng industriya ng sardinas dahil sa maraming trabaho ang nalilikha nito.

Sa ngayon, nasa mahigit 30,000 trabaho ang nalilikha nito sa Zamboanga City pa lamang.

Para kay Gadon, ang ganitong mga programa ang dapat suportahan ng pamahalaan lalo pa at ito ang bumubuhay sa mga mangingisda at mga manggagawa ng mga planta.

Sa kasalukuyan, ang aquaculture ang nangunguna sa fish production na nasa 57% ang ambag sa bansa kada taon.

Nasa 27% naman ang mga umaasa sa municipal fishing at 16% ang nasa industriya ng commercial fishing.

Sabi ng kalihim, malaki ang oportunidad sa pangingisda kung lalo pang mapapaunlad at susuportahan ang fishing industry lalo na sa aquaculture, municipal fishing at commercial fishing. | ulat ni Michael Rogas

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us