Pagpapalapad sa Northbound lane ng NLEX, tatapusin sa Disyembre-NLEX

Facebook
Twitter
LinkedIn

Target tapusin ng North Luzon Expressway Corporation (NLEX) ang Meycauayan Decongestion Project bago magpasko ngayong Disyembre 2023.

Ayon sa NLEX Corporation, kanila nang sinimulan ang proyekto sa tulong ng Meycauayan local government unit.

Isinasagawa ang road widening para sa isa pang lane ng Meycauayan Northbound Exit sa F. Raymundo sa Barangay Pandayan.

Kapag natapos ang proyekto,asahan nang maibsan ang mabigat na daloy ng trapiko sa lugar. Mula sa dalawang lane ay magiging tatlo na sa Northbound Exit.

Noong Oktubre 7 pinasimulan ang widening works sa portion ng NLEX sabay ng pagtiyak na naka deploy sa key areas ang mga traffic personnel para pangasiwaan ang sitwasyon ng trapiko. | ulat ni Rey Ferrer

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us