Pagpapalawak ng TUPAD program, isinusulong ni Sen. Chiz Escudero

Facebook
Twitter
LinkedIn

Iminumungkahi ni Senador Chiz Escudero sa Department of Labor and Employment (DOLE) na palawakin ang Tulong Panghanap-buhay sa Ating Disadvantaged/Displaced Workers (TUPAD) program para makapagbigay ng dagdag na ayuda sa mga biktima ng mga kalamidad.

Sa plenary deliberations ng panukalang 2024 budget ng DSWD, isinulong ni Escudero na humugot ng P500 million mula sa calamity fund ng Presidente bilang quick response fund (QRF) para sa TUPAD program ng DOLE.

Sinabi ng senador na nais niyang mapalawak pa ang TUPAD para masakop ang calamity victims, gaya ng pinatupad niya noong gobernador siya ng Sorsogon kung saan ang mga apektadong residente ay i-eempleyo hangggang sa maka-recover na sila sa epekto ng kalamidad.

Sa kasalukuyan, ang TUPAD ay nagbibigay ng emergency employment para sa mga displaced workers, underemployed at seasonal workers, sa loob ng 10 hanggang 30 araw depende sa kanilang magiging trabaho.

Pinuri naman ni Senate President Pro Tempore Loren Legarda na siyang nagdepensa sa DOLE budget, ang suhestiyong ito ni Escudero at nangakong maglalagay ng special provision sa bubuuin nilang General Appropriations Bill (GAB) para maisakatuparan ito. | ulat ni Nimfa Asuncion

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us