Mabilis na umusad sa plenaryo ng House of Representatives ang House Bill 9305 o pagpapalawig sa Legal Assistance Fund at Agarang Kalinga at Saklolo Para sa mga OFWs na Nangangailangan (AKSYON) Fund.
Pinagtibay ng kapulungan sa ikalawang pag-basa ang panukala na mag-aayemnda sa Migrant Workers and Overseas Filipinos Act of 1995 at ang Department of Migrant Workers Act.
Sa pamamgitan nito ang LAF ay maaari na ring gamitin para sa paghahain ng labor complaint ng mga OFW laban sa kanilang mga employer at iba pang lumabag sa kanilang karapatan.
Sakop din nito ang pagsasagawa ng imbestigasyon, pagkakakulong, o pag-aresto hanggang sa pagdinig ng korte sa kaso at paghahain ng apela kung kinakailangan.
Habang ang AKSYON FUND ay maaari na ring magamit katulad ng paggamit sa LAF.
“this bill seeks to clarify that both the LAF and AKSYON Fund shall be immediately, and at all times, available to all Overseas Filipinos and migrant workers in distress from the time of commencement of the complaint, action or similar proceeding, until promulgation and execution of judgment, and at all levels of appeal.” Saad ni House Committee on Overseas Workers Affairs Chair Ron Salo sa kaniyang sponsorship speech.
Para kay KABAYAN party-list Rep. Ron Salo, na siyang sponsor ng panukala isa itong malaking pag-usad para mapalakas ang legal support ng pamahalaan sa mga OFW upang matiyak na mayroon silang patas na tulong ligal at proteskyon sa kanilang pagta-trabaho sa ibayong dagat. | ulat ni Kathleen Jean Forbes