Inatasan ni Agriculture Secretary Francisco Tiu Laurel, Jr. ang National Irrigation Administration (NIA) na pabilisin ang implementasyon ng irrigation projects sa buong bansa.
Sinabi ng kalihim na malaki ang maitutulong nito para mapabuti ang produksyon ng mga magsasaka.
Binigyan ng direktiba ni Secretary Laurel si NIA Acting Administrator Eddie Guillen matapos makipagpulong ang kalihim sa mga namamahala sa national at communal irrigation systems sa South-Central Mindanao.
Dumalo sa Regional Irrigators’ Association Congress ang DA Secretary upang palakasin ang suporta sa agricultural production para sa food security alinsunod sa direktiba ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr.| ulat ni Rey Ferrer