Tiniyak ng Department of Education (DepEd) na kanilang tututukang maigi ang paghubog sa mga mag-aaral upang maging kapaki-pakinabang na mamamayan sa hinaharap.
Kaya naman, ipatutupad ng DepEd ang pagsasagawa ng “catch-up fridays” sa lahat ng mga paaralan simula sa January 12 ng susunod na taon.
Ayon kay Vice President at Education Secretary Sara Duterte, layon nito na matutukan ng mga guro ang reading comprehension gayundin ang critical thinking ng mga mag-aaral.
Dito, sasanayin ang mga mag-aaral mula Kinder hanggang Grade 12 sa pagbabasa ng mga nais nilang paksa gayundin ay magsulat ng mga essay, book review, at mga kahalintulad na lathain.
Sinabi pa ni VP Sara na nakatutok sa kapayapaan, kalusugan, at tamang asal ang mga paksa ng mga aklat na babasahin ng mga mag-aaral sa buong araw.
Giit pa ng Pangalawang Pangulo, hindi dapat maging paulit-ulit ang ginagawa ng mga mag-aaral sa araw-araw dahil ang nais niya ay magkaroon ng pagbabago para sa pag-unlad ng mga kabataan. | ulat ni Jaymark Dagala
📸: OVP