Pagsasapinal sa IRR ng MIC, napapanahon sa pagdalo ni Pangulong Marcos Jr. sa APEC Summit

Facebook
Twitter
LinkedIn

Malaking bagay ayon kay Ways and Means Committee Chair Joey Salceda na naisapinal na ang implementing rules and regulations (IRR) ng Maharlika Investment Corporation (MIC) bago lumipad patungong Asia-Pacific Economic Cooperation (APEC) si Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr.

Sa paraang ito, maibebenta ni Pangulong Marcos Jr. ang Maharlika Investment Fund sa APEC na siyang pinakamalaking pulong ng mga ekonomiya sa mundo, kung saan naroroon din ang ating mga trading partner.

Pagkakataon na rin aniya ito para maidulog muli ng Pilipinas sa mga kaalyadong bansa gaya ng US ang isyu ng tensyon sa West Philippine Sea.

“Syempre kailangan may ibenta ka. So sa ang APEC ay napakalaki. Pinakamalaking bloke po ng ekonomiya sa buong mundo. Both sides of the Pacific nandun po lahat ng trading partners natin.” ani Salceda

Naniniwala rin ang mambabatas, na hindi minadali ang IRR bagkus ay posibleng nataon lang na nailabas bago ang kaniyang biyahe.

“Sa pananaw ko, hindi naman sa minadali, kundi nagkataon lang talaga na mayroon siyang daladala. Buti na yun kaysa wala, para maibenta sa atin pong mga trading partner.” sabi pa ng House tax chief

Isa rin sa mahalagang usapin na maaari aniyang ilatag ng Pangulo sa APEC ay ang kasalukuyang tensyon sa West Philippine Sea, dahil naroroon na rin naman aniya ang mga kaalyado nating bansa tulad ng United States.

“…more than that I think it is necessary in a very tension filled West Philippine Sea that the President will get to meet the President of the US for alliances and most of our alliances are inside the APEC, as well as of course, China. Which is our apparent competitor but also our biggest trading partner.” saad ng mambabatas | ulat ni Kathlee Forbes

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us